Thursday, April 26, 2012

Litratong Pinoy: Malapit nang itapon

Malapit ko nang itapon ang aking rosas na fruitslim-gel na pansulat.  Ito ang katuwang ko sa aking trabaho araw-araw.  Madalas ko itong ginagamit sa mga pagpupulong sa opisina at pagwawasto ng mga dokumento ng aking mga kasama sa grupo.  Ako ay natutuwa sa tuwing ginagamit ko ito dahil nagagandahan ako sa kulay. Madalas pa ay pinagtatawanan ako ng aking mga kasamang lalaki lalo na kapag ginamit ko ang pansulat na ito sa pagwawasto ng kanilang mga dokumento. Malimit akong biruin na reregaluhan nila ako ng ibang pangsulat sa ibang kulay dahil maari na daw silang mapagkalamang homoseksuwal pag may nakakita sa kanila binabasa ang mga dokumentong sinulatan ko ng aking pansulat.  Ngunit paborito ko talaga ang kulay rosas.  Para sa akin, ang aking trabaho ay nagiging madali at nakakabas ng pagod kapag ginagamit ko ang pansulat na ito. Nakakalungkot man at malapit na itong maubos at itapon ngunit ito naman ay mura lamang at maari pa ulit akong makabili nito.

0 comments:

Post a Comment

Template by:

Free Blog Templates